Tuesday, January 20, 2009

Going to Chiba

I'm going to Chiba Makuhari tomorrow... I'll be buying a trench coat...

Saturday, January 3, 2009

Sikat nga ba talaga ang mga Pinoy artists?

While browsing Yahoo! Answers, this post gave me a big realization:
http://answers.yahoo.com/question/index;_ylt=AgVR2D7.s2Daz_9lXuKMJoYjzKIX;_ylv=3?qid=20081208213233AAyKVTf

We always claim na "sikat ang pinoy", world class, etc. etc. abot langit ang pagmamalaki sa mga artists natin. Pero parang nan-liit ako ng mabasa ko tong post na to.

Ngayon ko lang rin nalaman ung term na "K-Pop" (Korean-Pop) at "J-Pop" (Japanese-Pop), wala akong kamunduhan tungkol sa term na to until this visit to the link I gave you. It's a genre that made our Asian brothers/sisters popular. Bakit nga ba bumibenta ung mga Pop/Dance na mga kanta nila hindi lang sa bansa nila kundi kahit dito sa atin sa Pinas at sa buong mundo.

Sample ng mga Japanese artists/songs na sumikat ay ang: Pizzicato 5, Utada Hikaru, and the countless Japanese songs we all know out of Anime's.

Sample ng mga Korean artist ay sina: Rain, at tsaka sina... hmmm... wala na akong alam.. heheheh.. hindi ako korean fan eh. Pero alam natin at hindi natin maikakaila na maraming korean na kanta na sumikat din sa atin dahilan na rin sa mga tonetoneladang Koreanovela's nila.

We have a lot of good songs these days na sumikat sa ibang bansa but mostly on the genre of alternative bands, classic remakes, mga karaoke belting songs, etc. Hanggang dito nalang ba ang kakayahan ng mga pinoy artists? Yeah we have some popular artists like Eheads na sikat sa Singapore or other SEA countries, Christian Bautista na sikat sa Indonesia (which by the way I heard his song played in one of the malls in Thailand), Regine Velasquez as "Asia's Songbird" etc... Pero kung mapapansin natin ung mga genre nila umiikot lang sa balads/alternative rock. We know a lot of Filipino artists are good and talented, pero eto nlang ba kaya natin?

Pero pag mga dance tunes or from popular culture, hmmm wala ata... Kindly enlighten me. Or maybe hindi ko lang napapansin kasi I am in the mentality of "baduy yan".

Basically maybe this is the problem of every Filipino. We tag these kinds of songs as "Baduy" kaya hindi bumibenta. Hehehe... With J-Pop and K-Pop as asian genres gaining popularity all over the world, and with the "baduy" mentality of the Filipinos, would Flip-Pop be a possibility? Why can't we give this type of music a chance in our society as Filipinos? What do you think?