Tuesday, February 19, 2008

Ang aking Utang...

After a weeklong and a much anticipated conglomerate forces of “Libres” from our Hong Kong and Thailand balik-bayan officemates together with two birthday celebrants, and a reunited-with-her-husband girl, nangyari na ang dapat mangyari: “Libre Spree”.

Only 2 out of 10 people lang ang nakinabang dito kasi the rest of us is obliged to take part on the “Libre”. Si Pew lang at si Ms Jane ang nakinabang sa libre na to kasi halos kaming lahat has no excuse not to celebrate life’s blessings.

First hop was on Gilligan’s at Glorietta
At sinimot ang big bottle of tequila
Si BB at GB ay ginawang pulutan
Sa kaliwa’t kanang malutong na usapan

Gusto daw nila akong paiyakin
Ngek ngek nila nag-focus sila sa pagkain
May sinigang doon, may pansit dito
Sa kaliwa ang hipon at ang manok na pinirito

Nang medjo tipsy na ang galaw
Trip ay magdisco at sumayaw
Sabi nila sa may Edsa Shang Waterhole daw
At doon ang continuation ng paghataw

Ngunit nang dumating kami doon
Acoustic naman pala sila sa gabing iyon
Walang nagawa kundi maghanap nalang ng iba
Para ipagpatuloy ang pag-arangkada

Sa Libis nalang daw kasi may marami
Sa walang pag-aalinlangan pumunta kami
Pero ang ginawa ay naglibot-libot lang
At nagpapicture na parang kagalang-galang

Hindi pa nakontento ang makakating mga paa
Gusto pang humirit sa Malate, Manila
Dahil doon daw siguradong may sayawan
Para maipagpatuloy ang kasiyahan

Pumasok sa Bed Rock nag-order ng pizza
Kasama malamig na iced-tea tig-iisa-isa
Doon yumugyog at nakisayaw sa banda
Solved! Dahil nakaindak na

Nang panahon na para umuwi
Kelangan na magbayad ng salapi
Dahil sagot ko kasi despedida raw despedida ko
Ako ang magbabayad ng bu-o

Dumating ang itim na leathered folder
Nakalagay ang bill ng aming in-order
Dahil nga cash ay wala sa pitaka ko
Swipe nalang sana pwede to

Bumalik ang babaeng sa amin ay naniningil
Sabi rejected daw card ko nakaka-minus-appeal
Pano ba yan eh wala nga akong pera
Buti si Ate Badette binayaran muna

At dun nag umpisa ang aking utang
Kung kelan ako ay sana lilisan
At least ung card ko hindi ko na ginamit
Pero may utang pa akong 1400 kay Ate Badette

No comments: